Pansamantalang sinuspendi ang mga biyahe sa ilang pantalan mula at patungo sa mga lugar na apektado ng bagyong Paeng.
Batay sa abiso ng Philippine Ports Authority (PPA), sinuspinde ang ilang byahe sa pantalan sa PMO Eastern Leyte/Samar, PMO Bicol, PMO Marinduque/Quezon, PMO Batangas, PMO Masbate.
Gayundin sa Port Management Office (PMO) Bohol, PMO Panay-Guimaras, PMO Surigao at PMO Misamis Oriental/CDO.
Inabisuhan naman ang publiko na maaaring tawagan ang PPA para sa port-related updates sa panahon ng pangangailangan.
previous post