Naglabas ng anunsyo ang Philippine National Railways kaugnay sa pansamantalang pagsuspinde sa ilang biyahe ng tren ngayong araw.
Kasunod ito ng naranasang magnitude 4.4 na lindol na naitala sa Real, Quezon kagabi.
Suspendido ang byahe ng Tutuban – Alabang, Alabang – Tutuban, Tutuban – Gov. Pascual, at Gov. Pascual – Tutuban.
Gayundin ang biyahe ng tren mula Gov. Pascual – Bicutan, Bicutan – Gov. Pascual, Lucena – San Pablo, at San Pablo – Lucena.