Pina re-recall ng Food and Drug Administration (FDA) ang ilang brand ng mga de lata dahil sa african swine fever.
Tinukoy ng FDA ang dapat nang bawiin sa merkado ang mga sumusunod na brand ng de lata: Heaven Temple, Highway, Ma Ling, Narcissus, Shabu Shabu, Sky Dragon, Sol Primo, Wang Taste of Korea at Weilin.
Nagmula ang naturang mga de lata sa ilang bansa na nag positibo sa african swine fever.
Una nang tinukoy ng Department of Health (DOH) na hindi mapanganib sa tao ang nasabing sakit ngunit malaki ang magiging epekto ito local pork industry.