Nagbigay ng rekomendasyon si Presidential Adviser for Covid-19 Response Vince Dizon na ipatupad na sa buong bansa ang resolusyon ng Metro Manila Council na ‘’no bakuna, no labas’’ policy.
Sa talk to the people kagabi, sinabi ni Dizon na dapat na rin itong maipatupad kahit sa mga lugar na hindi nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng virus.
Giit ni Dizon, maging ang ilang kalihim gaya nina Health Sec. Francisco Duque III, Vaccine Czar Sec. Galvez at Defense Sec. Lorenzana ay suportado ang naturang hakbang.
Una nang sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na hindi ito diskriminasyon o pagkakait ng karapatan, sa halip ay layon lamang nito na maprotektahan laban sa virus ang mga unvaccinated o mga hindi pa bakunado.