Binaklas ng mga tauhan ng mga otoridad ang campaign posters ng ilang kandidato sa Maynila.
Sa mga unang kalsada pa lang ng Sampaloc, marami ang binaklas ng DPWH at MMDA dahil nakakabit ang posters ng mga kandidato sa mga bawal na lugar tulad ng mga puno at mga poste ng kuryente.
Mayruong posters ng local at national candidates ang tinanggal na ang ilan ay bagamat nasa tamang posting areas subalit sobrang laki naman.
Sinabi ni Atty. Gregorio Bonifacio ng COMELEC Manila Third District na nagpadala na sila ng notice sa mga kandidato na mananagot kapag hindi inalis ang mga posters na labag sa batas.