Tumataas ang bilang ng mga Cebuano na namamatay, hindi sa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kundi sa ibang sakit.
Ayon kay Governor Gwendolyn Garcia, kabilang sa mga karamdamang ito ay ang hypertension at cardiovascular disease.
Sinabi naman ni Garcia na sa 2,316 swab samples na ipinadala sa mga testing centers, 127 lamang ang nagpositibo o 94.5% ang nagnegatibo sa coronavirus.
Sa kasalukuyan, Cebu City pa rin ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa lalawigan na mayroong 2,126 cases; sinundan ng Mandaue (238 cases); Lapu-Lapu (86 cases); at 127 naman sa iba pang bayan at components cities.