Sinamantala ng maraming Pinoy celebrity ang Holy Week para makapagbakasyon, makapagpahinga at syempre ang makasama ang pamilya at makapagnilay-nilay.
Ilan sa mga ito ay ang newly-wed na si Vic Sotto at Pauleen Luna na nagbakasyon sa San Francisco California.
Samantala ang aktres naman na si Alice Dixon ay tumungo ng Jordan kung saan dinayo niya ang ancient structure at ang historical dead sea.
Ang Kapuso actress naman na si Glaiza de Castro ay kasama ang isang close friend sa Seoul Korea.
Si Alessandra de Rossi naman ay mananatili lang sa kanilang bahay para paghandaan ng kanyang family from Italy.
Planong bisitahin naman ng Broadway Diva ang pamilya ng kanyang asawa sa States.
Meron din naman na patuloy pa rin ang pagtatrabaho kahit na halos vacation mode na ang lahat.
Tulad na lamang ng stars ng Dolce Amore na sina Liza Soberano at Enrique Gil na tuloy pa rin ang taping para sa kanilang hit series.
Ang singer naman na si Yeng Constantino ay postponed din ang plano nilang mag-asawa ngayong Holy Week dahil kabilang siya sa JaDine in Love World Tour.
By Jenny Valencia
Photo: Screenshot pauleenjlunasotto/ Instagram