Ilang Chinese vessels ang dumaraong sa Pag-asa Island na okupado ng Pilipinas sa West Philippine Sea, patunay na nagpapatuloy ang tensyon sa nabanggit na karagatan.
Ayon kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano, nakatanggap siya ng impormasyon na tatlong Chinese maritime militia at isang barko ng People’s Liberation Army ang namataan malapit sa sandbar o pulong-buhangin ng Pag-asa island.
Malapit lamang aniya ang sandbar o 12 nautical miles sa Pag-asa Island at Subi Reef na inaangkin naman ng China at kanilang ni-reclaim.
Gayunman, batay aniya sa ruling ng Permanent Court of Arbitration hindi maaaring mapabilang sa territorial waters ang Subi Reef maging sa 200-nautical mile exclusive economic zone dahil sumusulpot lamang ito kapag low-tide.
Dahil dito, ipinunto ni Alejano na maaaring ang tunay na pakay ng Tsina ay ang Pag-asa Island lalo’t hinaharass ng mga Chinese forces ang ilang nagpa-patrol na vessel ng mga Filipino.
—-