Nagpatupad na ng preemptive evacuation ang city government ng Valenzuela, Maynila at Quezon.
Sa lungsod ng Maynila, ipinag utos na ni Mayor Isko Moreno ang preemptive evacuation ng mga residente sa mga barangay ng Baseco Compound o Barangay 649, Barangay 275, Barangay 20 partikular sa Isla Puting Bato, Barangay 105, Happyland sa Tondo at Barangay 101.
LOOK: @ManilaDRRMO personnel now coordinating with barangay officials following the order of Manila City Mayor @IskoMoreno to execute a pre-emptive evacuation of coastal barangays#AlertoManileno pic.twitter.com/r6YFgTPjjO
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) December 2, 2019
Ang mga nasabing barangay ay itinuturing na coastal villages kaya’t nanganganib mula sa storm surge at malakas na ulan dala ng Bagyong ‘Tisoy’.
Naglilibot na rin ang mga barangay officials para himukin ang mga residente mula sa mga mabababang lugar na mag-evacuate.
Sa Quezon City naman, naabisuhan na rin para mag-evacuate ang mga residente ng mga Barangay Bagong Silangan at Roxas District.
Nakaayos na rin ang modular tents sa evacuation centers sa mga nasabing lugar.
Nakahanda na rin ang mga food items para sa mga evacuees na itnututukan ng Social Services Development Department ng Quezon City Government.
Nagpatupad na ng preemptive evacuation ang Valenzuela City Government.
Samantala, sinimulan kaninang alas-8 ng umaga ang preemptive evacuation sa Valenzuela City –base na rin sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction And Management Council ng Valenzuela.
LISTEN: Alert Level 2 Emergency Siren has been activated in Valenzuela City around 8:45am. Alert level 2 calls for Preemptive Evacuation. Valenzuelanos, please cooperate. #TisoyPH@rex_gatchalian pic.twitter.com/yFP78Wz3Is
— Valenzuela City (@valenzuelacity) December 3, 2019
Kasunod na rin ito ng inaasahang tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa Metro Manila –base na rin sa abiso ng PAGASA.