Posibleng ginamit sa destabilisasyon ng gobyerno ang sinasabing pondo mula sa offshore accounts ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa mga analysis ay ni-launder ni Trillanes at kanyang grupo ang pondo na ginamit marahil sa pagbabayad sa mga tumestigo laban sa gobyerno.
Tinukoy ni Pangulong Duterte ang isang “Fabian Go” at “Roberto Fong” bilang co-depositors ni Trillanes.
Ipinasara aniya ng senador ang bank account nito sa HSBC Singapore noong gabi ng September sa pamamagitan ng online transaction, ilang araw bago lumagda sa bank waiver at bumiyahe patungong Singapore.
Idinagdag ng Pangulo, nasa 200,000 pesos ang inilipat sa isang Fabian Go na nasa ibang bansa mula sa closed account ni Trillanes.
Sinadya rin anyang liitan ang deposit na pera upang hindi matunton ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.
—-