Nagpositibo sa red tide toxins ang ilang baybaying dagat sa Luzon at Visayas.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lumampas sa regulatory limit ang paralytic poison na nakita sa mga shellfish na nakuha sa mga sumusunod na lugar:
- Bataan partikular ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal;
- Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City , Palawan;
- Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;
- Irong-irong, San Pedro at Silangan Bays sa Western Samar;
- Matarinao Bay sa Eastern Samar;
- Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; at
- Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Kaugnay nito, pinag iingat ang publiko sa pagkunsumo sa mga shellfish at mga isda na magmumula sa naturang mga lugar.