Dismayado ang mga commuter sa window hours na ipinatupad sa mga terminal ng Metro Manila para sa mga provincial bus na walang QR codes at Special permits.
Karamihan rin sa mga terminal sa EDSA-Cubao ay isinaayos na ang kanilang provincial trips na naaayon sa 10:00pm to 5:00am window hours.
Ayon sa ilang commuter, ang bagong patakaran ay maaaring maging pabigat sa mga manggagawa na kailangang sumunod sa mga iskedyul sa trabaho.
Nabatid na inanunsyo ng bus companies na First North Luzon Transit Incorporated, Victory Liner Inc. at Five Star Bus Company na ang kanilang pag-alis at pagdating sa mga terminal sa NCR ay nakapaloob lamang sa naturang window hours.