Suspendido pansamantala ang operasyon ng ilang consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa loob ng limang araw dahil sa COVID-19.
Sa isang pahayag, tinukoy ng DFA ito’y matapos na dapuan ng COVID-19 ang ilang mga tauhan nila sa NCR Central na nasa Robinsons Galleria maging sa Robinson Place sa Calasiao, Pangasinan.
Ibig sabihin, walang tigil operasyon muna mula bukas, Setyembre 13 hanggang 17.
Giit ng DFA na habang suspendido ang operasyon ng dalawang nabanggit na mga consular offices ay bibigyang daan nito ang ilang hakbang para mapuksa ang virus gaya ng disinfection sa mga gusali nito.
Gayunman, tiniyak ng DFA na sa mga may confirmed appointment sa nabanggit na petsa ay ma-rereschedule ang mga ito sa pinakamalapit na araw oras na magbalik sa normal ang kanilang operasyon.