Tila gusto na rin dalhin ng mga content creators sa politika ang impluwensya na mayroon sila sa social media.
Tara, kilalanin natin ang mga content creators na nagsumite ng kani-kanilang Certificate of Candidacy sa katatapos lamang na filing para sa 2025 elections.
Si Rosemarie Tan pamulaklakin o mas kilala bilang ‘Rosmar’ ay isang content creator na may milyun-milyong followers sa kanyang social media accounts at kilala ring entrepreneur.
Siya ay tatakbong councilor sa First District ng Maynila.
Si Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay, ay tumatakbo naman bilang 4th nominee ng Vendor’s Party-list.
Sumunod naman si Willie ‘Doc Willie’ Ong na nakilala dahil sa kaniyang YouTube videos na kung saan ay nagbibigay siya ng medical advice ay tumatakbong senador.
Ang political vlogger naman na si Mark Gamboa na mayroong 233K subscribers sa YouTube at 17,800 followers sa TikTok ay tumatakbo sa pagka-senador.
Isa pang political content creator na si Eli San Fernando ang tummatakbo bilang first nominee ng Kamanggagawa Party-list.
Aniya, ang kanilang adbokasiya ay isulong ang mas mataas na sahod sa buong bansa.
Nais namang kumatawan ng motorcycle vlogger na si Norris John Okamoto para sa mga mahihirap kung siya ay mahahalal bilang first nominee ng Lingap Party-list.
Ikaw, anong masasabi mo sa nais na pagpasok ng mga content creators sa politika?