Wala na sa bansa ang ilang mga convict na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance.
Ito ang kinumpirma ni Local Government Secretary Eduardo Año.
Aniya, nakikipag ugnayan na sila sa interpol para mapauwi ang mga ito sa bansa sa pamamagitan ng extradition.
Samantala, aminado naman si Año na hindi na mapapabalik ang mga napalayang convict kung ang kanilang pinuntahan ay walang extradition agreement dito ang bansa.
Sa huling bilang ng Philippine National Police, nasa 81 convict ang sumuko at naibalik na sa kustodiya ng Bureau of Corrections.
Inaasahang mas madadagdagan pa ito habang papalapit ang 15 araw na ultimatum na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sumuko ang mga presong nakinabang sa GCTA.