Obligado nang magprisinta ng Medical Certificate ang mga babyahe mula sa Pilipinas at iba pang siyam na bansa bago makapasok sa Kuwait.
Sa inilabas na kautusan ng Civil Aviation ng Kuwait, nakasaad na dapat ay sumailalim muna sa isang medical examination bago makapasok sa kanilang bansa ang mga babyahe mula sa Pilipinas, India, Bangladesh, Egypt, Syria, Azerbaijan, Turkey, Sri Lanka, Georgia, at Lebanon.
Ang mga pasahero umanong mabibigong makapag prisinta ng medical certificate ay hindi papayagang makapasok ng Kuwait at madedeport.
Sa panig naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), kanilang ikinalulungkot ang kautusang ito ng Kuwait dahil tiyak anilang magpapahirap lamang ito sa maraming Pilipino ang nagtutungo duon para magtrabaho.
Giit pa ni DFA Undersecretary Brigido Dulay, kung tutuusin aniya ay mas kakaunti ang kaso ng COVID-19 sa bansa kumpara sa Kuwait.