Tinututukan na ng pamahalaan ang pagpapanatili ng mga COVID-19 vaccine storage facility, lalo na sa mga lugar na nawalan ng kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding.
Ayon kay DOH-OIC at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na-i-pre-position na ang mga kakailanganing generator set sa Nueva Ecija upang mapanatili ang temperatura ng mga bakuna.
Ipinag-utos na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na magpadala na ng gen-sets sa naturang lalawigan maging sa Aurora para sa pansamantalang supply ng kuryente.
Tiniyak naman ng gobyerno na handa na ang kanilang Quick Response Fund para sa pagsasa-ayos ng ilang health facilities na napinsala ng bagyo. —Sa panulat ni Jenn Patrolla