Makakaranas pa rin hanggang May 14 ang ilang customers ng Maynilad ng mahinang pressure hanggang sa wala nang supply ng tubig.
Sa kabila ito ng napaulat na tumaas na produksyon ng Maynilad sa mga water treatment facilities nito.
Ayon sa Maynilad, kabilang sa mga apektado ng water interruption ang mga customers nila sa bahagi ng Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Cavite.
Tiniyak ng Maynilad ang pinaigting na treatment interventions para solusyunan ang mga usaping dulot ng algae growth at maibaloik ang kanilang production sa normal level.
Kasabay nito, ipinabatid ng Maynilad na napataas nito ang produksyon ng Putatan Water Treatment Facilities.