Sinimulan nang higpitan ng Quezon City Local Government Unit (QC LGU) sa mga motorista sa harap ng City Hall ngayong araw kasabay ng pag-arangkada ng Kadiwa ng Pasko.
Pansamantalang sarado ang gate 1 at gate 2 ng City Hall simula mamayang ala sais ng umaga.
Inaasahan naman ang pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mag-inspeksyon sa Kadiwa stalls.
Inabisuhan ng QC LGU ang mga motoristang dumaan na lamang sa gate 3 sa Kalayaan Avenue at Matalino Street o Gate 6.
Pinayagan namang maglakad papasok ng gate 1 at 2 ang mga empleyado at publiko hanggang ala siyete ng umaga habang sa gate 3 hanggang 10 na lamang maaaring pumasok ang mga empleyado at publiko makalipas ang ala siyete ng umaga. – sa panulat ni Hannah Oledan