Mananatiling bukas ang ilang gate ng Ipo, Ambuklao at Binga Dams.
Ito’y sa gitna ng patuloy na inaasahang pag-ulan bunsod ng hanging habagat.
Ayon sa PAGASA, binuksan ang isang gate ng Ipo Dam sa Bulacan sa 0.15 meters kaninang 6 ng umaga.
Nasa mahigit 100 metro naman ang lebel ng tubig kung saan maituturing na normal high.
Nagbukas din ng isang gate ang Ambuklao Dam sa Benguet sa 0.80 meters.
Kaninang 6 ng umaga, nasa mahigit 700 metro ang lebel ng tubig rito.
Habang sa Binga Dam naman ay nagbukas din ng isang gate sa 0.30 meters kung saan nasa mahigit 500 metro naman ang water level nito.