Nagpakawala ng tubig ang ilang dam sa Luzon sa gitna na rin ng buhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Pepito.
Alas-6 ng umaga nang buksan ang Gate 1 ng Ipo Dam sa Bulacan at maging ang Ambuklao Dam sa Benguet.
Samantala, mamayang ala-1 ng hapon naman nakatakdang magpalabas ng tubig ang Magat Dam.
Ito, ayon sa National Irrigation Administration (NIA), ay para mapanatiling ligtas ang water level ng Magat Dam.
Mahigit 200 cubic meters per second ang pakakawalang dami ng tubig mula sa Magat dam sa gitna na rin ng patuloy na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Pepito.