Dapat managot sa batas ang ilang dating opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at sugar millers sa nabulilyasong planong importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Ito ang iginiit ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (Unifed) sa harap ng ilalabas na rekomendasyon ngayong araw ng Senate Blue Ribbon Committee matapos ang imbestigasyon sa sugar fiasco.
Partikular na idiniin ni Unifed President Manuel Lamata sa kontrobersya sina dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica at Philippine Sugar Millers Association President Pablo Lobregat.
Ayon kay Lamata, naniniwala silang nagkaroon ng sabwatan sa pagitan nina serafica at grupo ni Lobregat.
Sa katunayan ay noon pa anya nila inirereklamo ang mga kabulastugan ni serafica sa SRA pero ngayon lamang ito naungkat.