Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang dating police officials sa BuCor o Bureau of Corrections.
Kabilang sa mga bagong appointees bilang deputy directors ng BuCor ay sina retired police Chief Superintendent Melvin Ramon Buenafe, dating Police Senior Superintendent Heriberto Obias Olitoquit at retired Chief Superintendent Valfrie Tabian.
Pinalitan ni Buenafe ang nagbitiw na si Deputy Director Rolando Asuncion; si Olitoquit naman ang pumalit kay Martin Perfecto; at si Tabian ang kapalit ni Ricardo Pasamba.
Wala pa namang itinatalaga ang Pangulo na kapalit nang nagbitiw ding si BuCor Director General Benjamin Delos Santos.