Binigyang linaw ng labor department na hindi umano makatotohanan ang ilang figure o datos na lumalabas hinggil sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang kanilang pinagbabasehang record ay mismong nagmumula sa mga kumpanyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) areas.
Dagdag pa ni Bello, hindi naman talaga nawalan ng trabaho ang mga ito, at sa halip ay nabawasan lamang ng working hours.
Habang ang iba naman ay sumailalim sa ibang mga working arrangements para hindi maapektuhan ng umiiral na curfew sang-ayon sa mahigpit na quarantine status.
Magugunitang lumabas sa ilang report o datos na nasa 250,000 na mga manggagawa ang nawalan ng hanap buhay.
Gayung 17,000 lang naman ang talagang naapektuhan sa dalawang linggong pag-iral ng mahigpit na quarantine status sa NCR plus.
Sa huli, umaasa pa ang ahensya na mas marami pa ang makababalik trabaho oras na luwagan nang muli ang restriksyon.