Inamin ng DOT o Department of Tourism na ilang mga dayuhang turista na ang nagkansela ng kanilang biyahe patungong Mindanao.
Ito ay kasunod ng ideneklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ni Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson kay Tourism Secretary Wanda Teo, sinabi nito na ilan sa mga turistang ito ang natakot kaya nagkansela ng kanilang biyahe.
Gayunman, sinabi ni Teo na nangako naman ang mga nasabing turista na oras na matanggal na ang martial law ay itutuloy ang kanilang biyahe.
Batay rin aniya sa regional director ng Cagayan de Oro City, mas natatakot ang mga turista sa ISIS kaysa sa ipinatutupad na batas militar.
By Krista De Dios