Nagpa-umaga na sa Quirino Grandstand sa Manila ang ilang mga deboto ng Itim na Nazareno.
TINGNAN: Daan-daang mga deboto ng Itim na Nazareno, nakatulog na sa pila sa gilid ng mga plastic barriers para sa tradisyunal na ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand. | via @gilbertperdez pic.twitter.com/IQ3S04Cyat
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 7, 2019
Ito ay upang hintayin na lamang ang pagbubukas ng tradisyunal na pahalik sa poong Itim na Nazareno ngayong umaga.
Kagabi nagsimula nang pumila ang ilang mga debotong maagang nagtungo sa Quirino Grandstand.
Samantala, nilagyan na ng mga metal at plastic barries ang venue para matiyak na magiging maayos ang pila ng mga debotong magtutungo para sa pahalik.
Iniba na rin ng mga organizers ang paraan ng pagpila para sa pahalik dahil pinagsama na ang pila para sa mga babae at lalaking deboto, hindi tulad noong isang taon.
Tanging nakahiwalay na lamang ay ang pila para sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at mga buntis.
Nakaantabay na rin ang first aid station gayundin ang mobile clinic ng mmda para na rin sa kaligtasan ng mga deboto.