Ikinagalak ng ilang delivery rider ang posibleng oil price rollback sa susunod na linggo.
Ayon kay Christian Tamilon, isang food delivery rider, simula kasi nang tumaas ang presyo ng gasolina ay bike na lamang ang kaniyang ginagamit sa pagde-deliver.
Sinabi rin ng bike rider na si Mike Navalla na mas mabuting gumamit ng motor dahil iwas pagod at mas mabilis ma-deliver ang mga pagkain.
Nabatid na sa Martes, inaasahan ang ika-apat na linggong tapyas-presyo sa produktong petrolyo kung saan P1.60 hanggang P2.10 ang posibleng mababawas sa kada litro ng diesel, 0.50 centavos sa gasolina at P1.50 sa kerosene.
previous post