Inalmahan ng mga depositor ng isang bangko ang paniningil sa ilang transaksyon simula Setyembre.
Batay sa abiso ng Bank of the Philippine Islands, 50 Pesos ang magiging singil sa kada over the counter inter-regional deposit;
100 Pesos sa kada over the counter withdrawal nang higit sa limit ng ATM account at inter-regional cash withdrawals gamit ang passbook account maging sa inter-branch check-in encashments.
Ayon sa B.P.I., matagal nang naka-tengga ang fees ng bangko para sa mga transaksyon at ipinaparehas lamang nila ang charge sa kalakaran sa banking industry.
Samantala, nilinaw naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla Junior na hindi ipinagbabawal sa B.S.P. rules ang karagdagang singil sa mga bangko basta’t makatuwiran.