Naglabas na ang Vatican ng ilang detalye ng Requiem Mass at ilang pagbabago rito para sa yumaong si Pope Benedict XVI.
Ipinabatid ni Matteo Bruni, Director ng Holy See Press Office na mismong si Pope Francis ang mangunguna sa Requiem Mass kung saan magbibigay ito ng homily at pagdiriwang ng Rites of Commendatio at Valedictio.
Kasabay nito ay ibinahagi ni Bruni ang ilang bagay na ilalagay sa ibabaw ng cypress wood na kabaong ng yumaong Santo Papa, tulad nang Pallium na sumisimbolo ng ecclesiastical jurisdiction at ispesyal na pakikipag ugnayan sa Santo Papa, commemorative coins at medalya na ginawa sa kanyang termino bilang Santo Papa at ang deed na nakalagay sa metal cylinder.
Pagkatapos ng misa, ilalagak ang labi ni Pope Benedict sa Grotto sa ibaba ng St. Peter’s Basilica katabi ng libingan ni St. John Paul the second bago ang kanyang beatification.
Ang libing ni Pope Benedict ay gaganapin ng bukas, January 5, alas 4:30 ng hapon, oras sa Pilipinas.
Nasa mahigit 100,000 katao na ang nakasilip sa Santo Papa simula nang buksan ang public viewing.