Pinuwersa lamang di umano ang ilang direktor ng Commission on Higher Education o CHED para lumagda sa dokumentong humihiling na umalis na sa kanyang posisyon si CHED Chairperson Patricia Licuanan.
Ayon kay Licuanan, ilang direktor ng CHED ang nagpunta sa kanya para sabihin ang pamimilit sa kanila na lumagda sa dokumento. Inakala naman di umano ng ilan na isang apela ng paglilinaw lamang ang kanilang nilagdaan.
17 CHED directors sa pangunguna ni CHED Executive Director Julito Vitriolo ang lumagda sa isang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte para hilingin ang kanyang gabay sa hindi pagsusumite ni Licuanan ng liham pagbibitiw bilang kortesiya.
Una rito, sinabihan ng Pangulo si Licuanan na huwag nang dumalo sa mga pagpupulong ng gabinete.
Matatandaan na nang sabihan si Vice President Leni Robredo na huwag nang dumalo sa cabinet meetings ay nagbitiw ito bilang HUDCC Chairperson.
By: Len Aguirre