Handa ang TV5 network na i-absorb ang ilan sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan at mawawalan ng trabaho.
Ito’y ayon kay TV5 chairman Manuel V. Pangilinan matapos mabigo ang ABS-CBN sa kanilang franchise renewal.
Kabilang aniya sa kakailanganin nila ay ang mga creatives, talents, directors, scriptwriters, cameramen, at iba pa para sa pag-upgrade sa pagbuo ng kanilang mga entertainment content.
Ngunit ani Pangilinan, sa ngayon ay wala pang napaguusapan ang dalawang network hinggil dito.
Tinatayang aabot sa libu-libong empleyado ng ABS-CBN ang mapapasama sa retrenchment bunsod ng pagsasara ng network dahil sa kawalan ng prangkisa.
Una nang inanunsyo ng ABS-CBN na magsisimula na itong magtanggal ng mga empleyado simula Agusto 31 ng kasalukuyang taon.