Kanselado ang ilang domestic flights ngayong araw na ito dahil sa bagyong Lando.
Kabilang dito ang biyahe mula Maynila pa-Laoag at vice versa at Manila-Basco pabalik.
Tiniyak ng pamunuan ng PAL na ire-rebook ang mga apektadong pasahero sa mga susunod na flight kapag umayos na ang lagay ng panahon.
Uubra namang magpa-rebook ang mga pasaherong may kumpirmadong ticket sa loob ng 30 araw mula sa oroginal flight date ng walang penalty.
By Judith Larino