Kanselado ang ilang domestic flights matapos isailalim sa alert level 3 ang Metro Manila mula nitong Lunes hanggang a-15 ng Enero.
Ito’y dahil sa muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa abiso ng Cebu Pacific, kanselado ang flights simula nitong lunes hanggang sa a-dies ng Enero.
Kabilang ang mga lugar ng Boracay na papunta Manila at pabalik, Cagayan De Oro, Cebu, Puerto Princesa, Davao, Tacloban.
Samantala, maaari naman mag rebook ang mga pasahero sa loob ng animnapung araw, itabi ang halaga sa virtual wallet hanggang dalawang taon o kaya naman mag-refund ng kanilang ibinook na flights.