Pitong mga opisyal ng Department of Tourism ang kasalukuyang isinasailalim ni Secretary Bernadette Romulo – Puyat sa review.
Ito ang naging pag-amin ni Puyat kasunod na rin ng mga natuklasang kwentiyonableng programa sa kagawaran tulad ng Buhay Carinderia Project at pamimigay ng mga jackets na nagkakahalaga 1.29 na Milyong Piso.
Ayon kay Puyat, pitong assistant at undersecretaries sa DOT ang kanyang inatasang direktang mag-report sa kanyang tanggapan para mapag-aralan ang mga naging accomplishments at mga posibleng maiambag pa ng mga ito sa kagawaran.
Sinabi pa ni Puyat, nais niya ring malaman kung masaya ba ang mga ito sa paraan ng kanyang pamumuno at mapagpasiyahan din kung papalitan o ililipat ang ito ng posisyon sa kagawaran.
Pawang mga appointed ni dating Tourism Secretary Wanda Teo ang pitong nasabing opisyal na kinabibilangan nina Usec. Kat de Castro, Alma Rita Jimenez, Marco Bautista at Assistant Secretaries Ricky Alegre, Daniel Angelo Mercado, Maria Lourdes Japson at Arlene Mancao.