Umalma ang publiko sa hindi pagtalima ng ilang drugstore sa kautusan ng Department of Health kaugnay sa pag-alis sa senior booklets sa pagbili ng mga gamot.
Ayon sa mga mamimili, ilang branch ng malaking kumpanya ng drugstore ang hindi pa sumusunod sa d-o-h order.
Paliwanag anila sa kanila ng nasabing drugstore, wala pa silang nakukuhang memo kaugnay sa usapin.
Nagbabala naman ang DOH sa posibleng kaharapin ng mga drugstore sa hindi pagsunod sa nasabing kautusan. – Sa panulat ni Kat Gonzales