Dismayado ang mga customer ng ilang drugstore sa Pangasinan at Pampanga sa pagka-ubos ng stock ng mga brand ng paracetamol, na gamot sa trangkaso.
Aminado ang mga drug store owner sa Dagupan, Pangasinan na napakataas ng demand sa nabanggit na gamot dahil flu season na sinabayan ng pagtaas ng COVID-19 cases at banta ng Omicron variant.
Gayunman, pina-alalalahan ng Department of Health ang publiko na iwasang mag-hoard ng mga gamot sa gitna ng tumataas na demand.
Sa Pampanga naman, nilimitahan na ng mga botika sa isang banig ng paracetamol ang dapat bilhin ng kada customer.
Samantala, binalaan ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines ang publiko na asahan na ang pansamantalang shortage ng paracetamol brands sa ilang lugar.