Nagdagdag na ng seguridad ang ilang e-wallet apps sa bansa matapos maglipana ang text scam.
Ang Globe Telecom na may hawak sa G-Cash ay tinatakpan na ang buong pangalan ng padadalhan ng pera.
Habang ang Smart na may hawak naman sa Paymaya ay nagsagawa na ng simulation para masuri ang isyu.
Sa ngayon, paglilinaw ng G-cash na walang nangyayaring data breach o leak sa kanilang sistema at tiniyak ang integridad ng datos ng mahigit 66 -M nitong user.