NAGPAKASAL na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Bagama’t hindi binanggit ang eksaktong petsa kung kailan sila nagpalitan ng “I do”, sinabi ng longtime sweethearts na masaya sila sa kanilang desisyon.
Simpleng white wedding dress lang ang suot ni Jennylyn ngunit lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda dahil sa kaligayahang nadarama sa araw ng kanilang kasal ni Dennis.
Matatandaang noong nakaraang buwan lamang ay inanunsiyo ng showbiz couple na engaged na sila sa isa’t isa kung saan nabatid na si Jennylyn ay kasalukuyang nagdadalantao.
Si Mercado ay may anak sa kanyang dating nobyo na si Patrick Garcia habang may anak ding lalaki si Dennis sa kanyang dating partner.