Dismayado ang ilang medical expert sa bansa sa mga doktor na kontra sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, sa halip na isipin ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente ay sila pa ang nagbibigay ng pagdududa sa hakbang ng gobyerno laban sa naturang sakit.
Iginiit naman ni Salvana na ligtas at epektibo ayon sa pag-aaral ang mga bakunang ginagamit kontra COVID-19. - sa panulat ni Airiam Sancho