Nagbabala ang ilang eksperto at taga-pagsuri kaugnay sa inanunsyong pagpapatigil simula ngayong araw ni North Korean Leader Kim Jung-Un ng kanilang missiles at nuclear program.
Ayon kay Sue Mi Terry, isang dating CIA North Korea Analyst, hindi dapat agad ito pagkatiwalaan dahil maaaring mayroon lamang umanong hihingiing kapalit si Kim tulad ng pagpapatanggal ng ipinataw sa kanila na economic sanctions.
Itinuturing naman ng military analyst na si James Marks na isang phenomenal ang anunsiyong ito ng lider ng North Korea.
Gayunman sinabi ni Marks na maaaring may impluwensiya dito ang naging pakikipagkita ni Kim kay Chinese President Xi Jinping.
Sa kabila nito, pinapurihan ni US President Donald Trump ang naging hakbang na ito ng North Korea.