Hinimok ng mga health expert si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na sertipikahang urgent ang Trans Fat Free Law sa bansa.
Ito ay kasunod ng inilunsad na Pinas 2023: trans fat free campaign sa Quezon City na may layuning matugunan ang dumadaming kaso ng heart disease sa Pilipinas.
Naniniwala si Atty. Sophia San Luis, executive director ng Imagine Law, na ang heart disease ay hindi lamang pangunahing sanhi sa pagkamatay ng mga pilipino kundi nagiging dahilan din ito sa pagkakaroon ng severe covid-19 cases.
Umaasa naman si Dr. Zenaida Velasco ng Nutritionist-Dietitians Association of the Philippines, na maisasama ng pangulo sa kaniyang SONA ang pagtatanggal sa trans fatty acids sa mga produkto sa merkado.
Matatandaang naglabas ng administrative order ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) circular, na nag-uutos sa mga food company na alisin ang mga industrially-produced trans fatty acids sa iba’t ibang produkto dahil ito rin ang nagiging sanhi sa pagkakaroon ng cardiovascular diseases ng isang indibidwal.