Naniniwala ang ilang eksperto sa ekonomiya at kalusugan na malapit nang magwakas ang nararanasang Covid-19 pandemic.
Ayon kay dating National Task Force against Covid-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, hindi na ikinokonsidera bilang emerging infectious disease ang COVID-19.
Gayunman, dapat pa ring ipagpatuloy ng gobyerno ang plano nitong bumuo ng mga institutional arrangements na magkokonsidera sa sitwasyon ng bansa.
Orihinal na nagmula ang plano sa DOH kung saan isinusulong din na muling buuin ang IATF para magkaroon lamang ng mga miyembro na kailangan talaga sa ahensiya.
Samantala, suportado naman ng ilang eksperto na makakamit na natin ang pandemic phase.
Kabilang sa sumang-ayon sina; dating Presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, OCTA research fellow Professor Ranjit Rye at Infectious Disease Expert Edsel Salvana.