Sang-ayon ang ilang health experts na palawigin pa ang implementasyon ng alert level 4 status sa Metro Manila.
Ito ay kahit na gumaganda na ang datos ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon sa Department Of Health, nananatiling mataas ang health care utilization rate sa kamaynilaan habang high risk pa rin ang 10 siyudad dito.
Sinabi naman ni Philippine College of Physicians President Maricar Limpin na mainam na manatili sa alert level 4 ang NCR upang mapababa ng husto ang mga kaso ng COVID-19.
Umapela naman ang Metropolitan Manila Development Authority at ilang mga Alkalde sa DOH na bilisan ang pagbibigay ng datos para sa pagpapatupad ng tamang aksyon.
Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang mga residente na sundin ang minimum health protocols upang alisin na ang alert level 4 sa NCR—sa panulat ni Hya Ludivico