Nagkilos protesta ang ilang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources o DENR bilang pagtutol sa pagpapalipat ng dalawang (2) opisyal ng ahensya.
Sinisisi umano ang direktor ng Human Resource Development Service Office na si Rolando Castro at si Personnel Division Chief Miriam Marcelo dahil sa pagkontra ng Civil Service Commission sa pagtatalaga sa Environment Undersecretary Philip Camara bilang PENRO o Provincial Environment and Natural Resources Officer.
Sa nasabing kilos-protesta kahapon, nanawagan ang mga empleyado na, sa halip, matanggal si Camara.
Iginiit ng mga empleyado ng DENR na ang kakulangan ni Camara ng civil service eligibilty ang dahilan ng hindi niya pagkakatalaga bilang PENRO.
By Avee Devierte