Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang empleyado ng isang supermarket sa lungsod ng Baguio.
Sa inilabas na pahayag ng Victoria Supermarket—Mabini Branch, isang merchandiser nila ang dinapuan ng COVID-19 kaya’t agad na ini-lockdown ang naturang branch nitong nakaraang mga araw.
Kasunod nito, nagsagawa ng mass testing para sa COVID-19 ang pamunuan ng pamilihan sa mga empleyado nito, at lumabas kahapon, ika-12 ng Agosto, na positibo ang ilan pa nilang mga tauhan sa nakamamatay na virus.
Dahil dito, mananatiling sarado ang Victoria Supermarket—Mabini Branch sa loob ng dalawang linggo.