Naaresto ng mga otoridad ang ilang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority payroll division matapos mabuking na iligal na binabawasan ang sahod ng kanilang mga tauhan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, kumukuha ang mga supek ng maliliit na halaga sa ilang empleyado at inililipat ito sa kani-kanilang accounts.
Nagawa rin ng mga sangkot na manipulahin ang computerized payroll system ng ahensya.
Mismo namang si MMDA Chairman Don Artes ang tumayong complainant laban sa mga sinasabing suspek habang pinangunahan naman ni mmda general manager procopio lipana ang pag-aresto sa mga sangkot na empleyado.
Sinisimulan na ang inquest proceedings laban sa mga ito at nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang ahensya.
Tiniyak naman ng MMDA na mananagot sa batas ang mga sangkot na tauhan.—sa panulat ni Kat Gonzales