Naghahanap na ng ibang trabaho ang ilang empleyadong apektado ng pagpapasara sa isla ng Boracay, sa Aklan.
Isang job fair ang idinaos ng isang grupo ng mga negosyante at hotelier sa isla para sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa 6 months shutdown.
Bagaman aabot sa 300 trabaho ang ini-alok, mistula namang nilangaw ang job fair.
Samantala, tinalakay naman sa Senado ang magiging epekto ng pagsasara ng Boracay.
Nangangamba si Senador Sherwin Gatchalian na maaaring maapektuhan ang operasyon ng mga electric cooperative sa Aklan na posibleng magresulta sa pagtaas ng singil sa kuryente sa lalawigan.