Nakiisa ang ilang environmental groups sa Global Climate Strike sa harap ng isang bangko sa lungsod ng Makati.
Sa nasabing aktibidad, ipinanawagan ng grupo sa pamunuan ng bangko na tigil na ang pagpondo sa ilang coal-powered plants, gayundin ang anila’y mga proyektong mapanira sa kalikasan.
Iginiit din ng mga makakalikasang grupo na kinakailangan nang seryosohin ng mga bansa ang lumulubhang epekto ng climate change o pagbabago ng panahon dahil halos apektado nito ang lahat ng mga mamamayan sa mundo.