Ilang foreign ambassadors ang nag-courtesy visit sa tanggapan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kahapon.
Kabilang sa bumisita kay VP Sara si Bangladeshi ambassador F.M. Borhan Uddin na nagbigay ng update kaugnay sa developments ng kanilang ekonomiya, trade at investment gayundin ang sektor ng edukasyon.
Tinalakay naman ng Pangalawang Pangulo at ni Egyptian ambassador Ahmed Shehabeldin ang basic education development plan 2030.
Ipinabatid naman ni Israeli ambassador Ilan Fluss kay VP Sara ang mga inisyatibo ng kanilang gobyerno sa iba’t ibang sektor, kabilang ang agrikultura, water management, technology at innovation.
Naging panauhin din ng Bise Presidente si Australian ambassador Hae Kyong Yu, PSM na nagpahiwatig ng interes sa pakikipagtulungan sa Pilipinas sa larangan kung saan kapwa makatutulong sa dalawang bansa.