Kinandado ng lokal na pamahalaan ng Taguig City ang ilang establishment matapos lumabag sa minimum health standards.
Ayon sa Facebook post ng safe city task force ng Taguig higit na dapat pahalagahan ang kaligtasan at buhay ng mga residente kaysa sa kita ng non compliant establishments.
Sinabi ng task force na sa simula pa lamang ay kailangang patawan ng temporary closure ang mga establishment na hindi susunod sa pagpapatupad ng health protocols.
Ipinaalala ng task force na kailangang maging responsable ang lahat ng mga may ari ng negosyo para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.